Paalam na Kaibigan
Tila normal na araw, tulad ng ibang araw
Ng kahit anong buwan, ng kahit anong taon.
Maliwanag ang sikat ng araw,
Maaliwalas ang hangin ng umaga.
Ngunit anong balita to,
Na pumanaw na ang isang kaibigan?
Sayang ang mga pangarap,
Ng ating pagkabata.
Sa pagpasok ng kolehiyo'y,
Mga mithiin lang natin ang dala-dala.
Tanging pabaon ng ating samahan,
Sa mga pagsubok na magkakasama nating pinagdaanan.
Ngunit wala ka na kaibigan,
Tapos ka na sa lakarin ng kapalaran.
Sana'y nasabi sa yo,
"Isa ka sa mga tumulong nuong ako'y lugmok."
Sa kalungkutan ng puso,
Ilang salita mo't tamang payo lang,
Malaking bagay na sa akin
At sa nasira kong kasiyahan.
Ngunit eto ako ngayo't nanghihinayang,
Pagkat hindi na muling makakabiruan
Ang maangas mong ngalan.
Sana sa munting papuring ito sa yo,
Lahat nawa ng napasaya mo'y
Makaalala sa yo.
Sa itatagal pa ng panahon,
Pangako'y walang kalimutan.
Sa susunod na pagkikita na lang,
Aking kaibigan.
-
No comments:
Post a Comment